Babaeng sangkot sa talbog na cheke sa Zambales, nakorner ng Pateros Police

Matagumpay na naaresto ng Southern Police District (SPD) ang Zambales Provincial Level Most Wanted Person sa Lacson Avenue, Sta. Cruz, Manila.

Kinilala ang suspek na si alyas “Raquel,” 50 years old na Top 7 Most Wanted Person (Provincial Level) ng Zambales Police Provincial Office.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Merinnisa Ona Ligaya, Presiding Judge ng Metropolitan Trial Court, Branch 1, Olongapo City.

Ito ay dahil na rin sa apat na bilang ng kasong paglabag sa Batas Pambansa 22 o ang Bouncing Check Law.

Mayroon namang inirekomendang piyansa na P480,000 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Sa ngayon ay nakaditine na sa Pateros Municipal Police Station ang suspek habang hinihintay na mipadala ang warrant sa court of origin.

Facebook Comments