Babaeng Senior Officer ng BFP na sangkot sa kasong kriminal, sinilbihan ng warrant of arrest

Sinilbihan ng arrest warrant sa punong tanggapan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Quezon City si SFO2 Reyca Palpallatoc kahapon.

Nabatid na si SFO2 Palpallatoc ay sangkot sa kasong large scale illegal recruitment ng mga aplikante na gustong pumasok sa BFP.

Pinangunahan ng QC Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang pagsisilbi ng Warrant of Arrest pero hindi na matagpuan si SFO2 Reyca Palpallatoc.


Sa impormasyon na nakuha ni CIDU Chief PMajor. Dondon Llapitan, buwan pa ng Disyembre nang maghain ng irrevocable resignation si Palpallatoc.

Dahil dito ay ang mga kawani na mismo ng BFP ang tumanggap sa arrest warrant na inilabas ng Branch 297 ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) laban sa fire officer.

Batay sa record ng Korte, bukod sa sangkot ito sa kaso ng recruitment for sale na humihingi ng pera kapalit ng pagpasok sa BFP. Isang reklamo rin sa Professional Regulation Commission o PRC ang inihain laban kay Palpallatoc para patanggalan ng lisensya sa pagiging nurse nuong December 23, 2024 dahil umano sa imoralidad.

May kinalaman naman ito sa reklamo ng isang Ginang Faiza Mutlah Utuali dahil sa pakikipagrelasyon ni Palpallatoc sa kaniyang mister na isang dating opisyal ng Philippine Marines.

Facebook Comments