BABAENG TULAK NG ILIGAL NA DROGA, TIMBOG SA PANTAL, DAGUPAN CITY

Isang babaeng sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga ang naaresto sa isang buy-bust operation na isinagawa sa Barangay Pantal, Dagupan City bandang alas-onse ng gabi, Pebrero 5, 2026.

Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Dagupan City Police Office sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency Region 1.

Nahuli ang suspek, na residente ng Barangay Mayombo, matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa isang operatiba.

Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na tinatayang anim na gramo na may street drug price na ₱40,800.00.

Narekober din ang marked money na ginamit sa transaksyon at iba pang drug paraphernalia.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at inihahanda na ang kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments