BABAENG UMANO’Y MAY DIPERENSYA SA PAG IISIP PAKALAT KALAT AT ARMADO NG BARIL SA DAGUPAN CITY

Dinala sa himpilan ng kapulisan ang isang umano’y babaeng may diperensya sa pag iisip matapos itong makitang pakalat kalat at may dala pang baril sa Dagupan City.

Itinawag sa PNP ang nasabing ginang na pakalat kalat pasado alauna ng hapon sa bahagi ng Brgy. Bonuan Gueset kung saan ay armado pa ito ng baril.

Pagdating doon ng pnp ay tumambad sa kanila ang ginang na agad namang dinala ng PNP sa kanilang kustodiya matapos makuhanan ito ng isang 9mm pistol na may isang magazine at limang bala.


Sa ngayon ay hinihintay pa ng PNP ang dokumento mula sa pamilya kung totoo nga na ito ay may problema sa pag iisip habang inaalam pa kung paano napasakamay nito ang baril.

Facebook Comments