Babaeng Wanted sa Batas, Huli sa Lungsod ng Cauayan

26

Cauayan City, Isabela- Muling naka iskor ang PNP Cauayan City matapos makaaresto ng isa pang Wanted sa batas sa barangay District 3, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang wanted person na si Reynalyn Sagun, 30 taong gulang, negosyante at residente ng Purok 1, brgy District 3, Cauayan City.

Hinuli si Sagun sa bisa ng isinilbing warrant of arrest nito na inisyu ni hukom Reymundo Aumentado ng RTC Branch 20 Cauayan City, Isabela para sa kasong paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.


Agad na dinala kahapon sa himpilan ng pulisya si Sagun para sa booking at kaukulang dokumentasyon.

Samantala, hindi rin nagtagal sa kustodiya ng PNP Cauayan at nakalabas din kahapon si Sagun matapos itong makapag lagak ng kanyang piyansang Php10,000 base na rin ito sa inirekomendang halaga ng piyansa ng korte.

Facebook Comments