Monday, April 13, 2026

BABAENG WANTED SA ILIGAL NA PAGSUSUGAL, ARESTADO SA BAUTISTA

Isang babae ang naaresto ng mga awtoridad sa bisa ng warrant of arrest sa isinagawang operasyon sa Brgy. Pogo bandang alas-9:45 ng umaga noong Abril 7, 2026.

Ang suspek, na nagtatrabaho bilang domestic helper, ay inaresto kaugnay ng kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1602, na nagbabawal at nagpaparusa sa ilegal na pagsusugal. Ang warrant of arrest laban sa kanya ay inilabas pa noong Marso 28, 2023 ng isang hukuman sa rehiyon.

Matapos ang pag-aresto, agad na isinailalim sa medico-legal examination ang suspek sa Rural Health Unit ng Bautista bago dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang proseso at kustodiya.

Naitala na rin ang kanyang impormasyon sa mga opisyal na police database upang matiyak ang maayos na dokumentasyon at monitoring ng kaso.

Ayon sa mga awtoridad, ang matagumpay na operasyon ay bahagi ng patuloy na kampanya laban sa mga indibidwal na may kinahaharap na kaso at umiiwas sa batas. Patuloy din ang paalala sa publiko na ang anumang paglabag sa batas ay may kaakibat na pananagutan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments