Babaeng wedding crasher, sumalisi sa Nueva Ecija

Manila, Philippines – Aabot sa higit 100,000 pesos ang natangay ng isang wedding crasher na salisi rin sa Gapan, Nueva Ecija.

Sa CCTV footage, maayos na idinadaos ang isang kasalan nang biglang pumasok ang isang babae na bitbit ang mga gamit para sa seremonya.

Kwento ng bride – umasta ang babae na parang wedding coordinator kung saan pinakakausap ang mga ninong at ninang.


Pinakialaman din ng babae ang martsa ng mga abay.

Sumunod pa ang babae sa reception at dito na makikitang hindi na ito mapakali.

Nakipaghalubilo pa ito sa iba pang mga bisita.

Nang makita ng babae na tumayo ang mga nasa VIP table para kumuha ng pagkain sa buffet area, dito na niya kinalkal ang mga laman ng mga naiwang bag.

Dito na nakuha ng babaeng salisi ang mga pera, alahas at gadgets ng mga biktima.

Mabilis na lumabas sa lugar ang suspek at sumakay ng tricycle.

Lumalabas sa imbestigasyon na naka-pambiktima na rin ang suspek sa iba pang kasal sa iba pang bahagi ng bansa.

Facebook Comments