BABAGUHIN | Halos 90 milyong Facebook users, apektado ng data breach

Amerika – Kinumpirma ng Facebook na aabot sa 87 milyong users nito ang apektado ng data breach.

Ito ang paglilinaw ng social networking site matapos unang maihayag na ang personal information ng nasa 50 million users lamang ang ilegal na na-access ng Cambridge analytica.

Simula sa susunod na linggo, aabisuhan ng Facebook ang users kung ang kanilang impormasyon ay naibahagi sa British Consulting Firm.


Itu-turn off din ng FB ang kanilang search feature, babaguhin ang account recovery at sinusubukang limitahan ang mga impormasyon na maaring makuha ng mga third-party applications.

Facebook Comments