BABAGUHIN | Komposisyon ng JBC planong baguhin ng ConCom

Manila, Philippines – Nais baguhin ng Consultative Committee (ConCom) sa ilalim ng federal government ang komposisyon ng Judicial and Bar Council (JBC).

Ang JBC ang siyang nagsasala at nagrerekumenda sa Pangulo kung sino ang mga itatalaga sa hudikatura.

Sa kasalukuyang komposisyon ng JBC mayroon itong 3 ex officio members at 4 na regular members na nasa ilalim ng superbisyon ng Kataas-taasang Hukuman.


Pero sa proposed composition ng ConCom magkakaroon na ang Judicial Appointments and Disciplinary Council (JADC) ng 10 ex officio members at 4 na regular members na hindi na kinakailangan pang ire-appoint o dumaan sa kompirmasyon at maglilingkod sa loob ng 4 na taon.

Ang nasabing organisyon ay magiging independent at hindi na saklaw ng kapangyarihan ng Supreme Court.

Habang ang chairmanship nito ay iikot kada 2 taon.

Maliban sa pagrerekumenda ng appointees sa judiciary magiging mandato din nitong mag-imbestiga sa mga kasong inihahabla laban sa mga myembro ng Hudikatura.

Facebook Comments