BABAGUHIN | PRRD, nais palitan ang pangalan ng Mactan Airport

Balak ni Pangulong Rodrigo Duterte na palitan ang pangalan ng Mactan Airport sa Cebu.

Ayon kay Duterte, papalitan niya ito ng pangalan ni Lapu-Palu bilang pagkilala sa kabayanihan nito.

Nakakalungkot kasi aniyang hindi gaanong nabibigyang pagkilala si Lapu-Lapu maliban sa pagiging popular na menu na inihahain sa hapagkainan.


Sabi pa ng Pangulo, kahit noong nangangampanya pa lang siya ay plano na niyang ibigay ang karapat-dapat na parangal kay Lapu-Lapu.

Facebook Comments