Manila, Philippines – Babakantehin na ni Atty. Maria Lourdes Sereno ang kanyang tanggapan sa Korte Suprema.
Ito ang kinumpirma ni Atty. Jojo Lacanilao , isa sa mga abogado ni Sereno, matapos na panindigan ng mga mahistrado ang kanilang pagpapatalsik sa puwesto kay Sereno.
Tiniyak naman ng kampo ni Sereno na mananatili siyang boses ng mamamayan.
Inihayag din ni Lacanilao na hindi na sila nabigla sa pagbasura ng mga mahistrado sa motion for reconsideration ni Sereno sa quo warranto case.
Gayunman, naninindigan aniya sila na hindi naging patas ang Supreme Court justices at patuloy aniya itong kukuwestiyunin ng taongbayan.
Facebook Comments