Manila, Philippines – Pinag-iingat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko sa mga card-not-present fraud.
Ito ay ang mga hindi otorisadong transaksyon online gamit ang debit at credit card.
Paglilinaw ni BSP Core IT Specialist Group Head Melchor Plabasan, maari pa ring magamit ang impormasyon ng card kahit mayroon itong EMV chip.
Ang pinoprotektahan lang ng EMV ay ang cloning ng card na ginagamit sa card present transactions.
Pero tiniyak ng BSP na may safeguards ang mga bangko laban sa mga hindi awtorisadong paggamit ng debit at credit card.
Facebook Comments