BABALA | Bulkang Mayon, naka-alert level 1 – PHIVOLCS

Manila, Philippines – Nagbigay ng babala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa lahat ng opisyal sa Bicol Region na maging handa.

Ito ay matapos ipatupad ang 6 kilometers Permanent Dangerous Zone sa Bulkan Mayon at Bulkan Bulusan na parehong nakataas ngayon sa alert level 1.

Ayon sa PHIVOLCS, mapanganib ang lumapit sa paligid ng bulkan dahil sa nagpapatuloy na pag-ulan sa rehiyon na maaring magdulot ng panganib.


Sa kasalukuyan, patuloy na nakamonitor ang tanggapan para sa kaligtasan ng mga residente na nakatira malapit sa Bulkan.

Facebook Comments