Afghanistan – Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipinos sa Afghanistan na gawin ang mga kinakailangan pag-iingat dahil sa lumalalang karahasan na nabanggit na bansa.
Ang payo ay ginawa ng Embahada sa 1,500 Pilipino na nagtatrabaho sa military bases sa Kabul at iba pang mga lokasyon sa Afghanistan, matapos ang dalawang suicide bomb attacks sa isang moske noong Biyernes na pumatay ng 30 katao, kabilang ang mga kababaihan at mga bata.
Nagpaabot narin ng simpatya at panalangin si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa pamilya ng mga namatay at umaasa ng maagang paggaling ng mga nasugatan.
Sinabi ng kalihim, dahil sa sitwasyon sa seguridad, ang mga Pilipino doon ay dapat seryosong isaalang-alang ang pagbalik sa bansa.
Ang Embahada ay handa na tumulong na maibalik ang mga taong gustong umuwi.
Batay sa mga talaan ng non-government Civilian Protection Advocacy Group sa Kabul, ang bilang ng mga sibilyan na casualties noong Hulyo lamang ay umabot sa 545, sa nasabing bilang 232 ang patay at 313 ang nasugatan.
Pinaalalahanan din ni Ambassador to Islamabad Daniel Espiritu ang publiko na nananatili o umiiral pa rin ang travel at deployment ban sa Afghanistan.