Manila, Philippines – Nagbabala ang Department of Interior and Local Government (DILG) na gumawa ng legal na hakbang laban sa mga producers ng “Ang Probinsiyano” kapag hindi binago ang plot o pagbalangkas sa teleserye.
Nairita na rin si DILG Secretary Eduardo Año, sa teleserye ng ABS-CBN na ipinapakita kung papano inaalipusta ang Philippine National Police (PNP).
Aniya, sadya nilang ipinapakita ang maling mensahe sa publiko na demoralisasyon sa hanay ng PNP.
Aminado ang DILG Chief na may mga tiwaling police officers sa PNP pero hindi nila ito kinukunsinte at nawala na sa serbisyo dahil sa internal cleansing program na ipinatutupad sa hanay ng Pambansang pulisya.
Sa panig ni DILG Assistant Secretary Jonathan Malaya, nais lang ng DILG na protektahan ang imahe ng buong PNP organization.
Bukod sa legal action ,maaari din silang patawan ng sanctions dahil sa paggamit ng PNP uniforms, mga ari-arian at paggamit ng acronym na PNP alinsunod sa umiiral na Article 179 ng Revised Penal Code na nagbabawal dito.