BABALA | DOH, muling nagpaalala ng mga sakit na posibleng makuha tuwing tag-init

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Department of Health sa publiko
hinggil sa mga sakit na posibleng makuha tuwing tag-init.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, maging maingat sa mga
binibiling pagkain at inumin sa kalsada.

Aniya, maging sa bahay ay maging maingat rin dahil ay madaling mapanis ang
mga pagkain dahil sa tindi ng init.


Sinabi pa ni Duque na para maiwasan ang heat stroke, mainam ang palaging
pag-inom ng tubig.

Mainam rin aniyang iwasan ang pag-inom ng tsaa, softdrink, kape at alak.

Magsuot aniya ng preskong damit at gumamit ng sumbrero o payong bilang
proteksyon sa init.

Paalala naman ng DOH sa mga magpepenetensya ngayong Holy Week, magpabakuna
ng anti-tetanus, siguraduhing malinis at walang kalawang ang mga gagamitin
at gamutin agad ang mga sugat pagkatapos ng sakripisyo.

<#m_-1084342381096030238_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments