Manila, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa pagbili ng karne at isda na maaring nilagyan ng formalin.
Ito ay kasunod ng mga balitang nilalagyan ng formalin ang ilang imported seafood products para humaba ang shelf life nito at magmukhang sariwa.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, ang pagkain ng mga produktong may formalin ay maaring magdulot ng cancer at iba pang sakit.
Hindi dapat aniya ginagamit ang formalin bilang preservative sa anumang meat at food products dahil ito ay isang toxic substance.
Dagdag pa ni Domingo, nakamamatay ang formalin.
Hinimok ng DOH ang publiko na agad isumbong sa mga otoridad kung may makita silang chemical-laced food products na ibinibenta sa mga pamilihan.
Facebook Comments