BABALA | DSWD, nagbabala laban sa ‘impostor’ na nambibiktima ng mga LGUs

Binalaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko laban sa isang nagpapanggap na opisyal ng ahensya at nanghihingi ng pera.

Ayon kay DSWD Spokesperson at Assistant Secretary Glenda Relova, makailang beses nang nakapang-goyo ang scammer na nagpapakilalang si DSWD Assistant Secretary for Policy and Plans Noel Macalalad.

Kabilang sa nagoyo ng impostor ay mga taga Local Government Units (LGUs) sa iba’t-ibang panig ng bansa.


Ayon pa kay Assistant Secretary Relova, huling biktima ng scammer ang isang municipal social welfare officer ng Tarlac na hiningan ng tatlong tig P500 na cellphone load habang P10,000 cellular phone cards din sa provincial social welfare officer ng Tawi-Tawi.

Ang masakit ayon kay Relova, nagpahanda pa ng magarbong pagkain para sa 20-kataong grupo daw ng mga opisyal na bibisita sa Tawi-Tawi pero walang dumating na Assistant Secretary Macalalad.

Paliwanag ng DSWD, walang dahilan para manghingi ng load sa cellphone ang isang opisyal kaya at hinihikayat nito ang publiko na magsumbong sa kanilang facebook at twitter accounts.

Facebook Comments