Manila, Philippines – Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga retailer na tatangging makipag-tulungan sa gobyerno para mapababa ang presyo ng bigas.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, hiniling na nila sa mga alkalde sa bansa na bawiin o huwag bigyan ng business permit ang mga retailer ng bigas na magmamatigas na magbenta ng mga well milled at regular milled rice.
Aniya, nakapaloob ito sa binuong producers to consumers market program ng DTI at Department of Agriculture (DA).
Facebook Comments