Manila, Philippines – Hinimok ng EcoWaste Coalition ang Department of Education (DepEd) at mga school officials na huwag gumamit ng anumang pinturang may sangkap na nakalalasong lead kasabay ng ilulunsad na brigada eskwela.
Ayon sa EcoWaste, ang mga decorative paints na may sangkap na lead ay maaaring makasama sa kalusugan ng isang tao.
Giit ng EcoWaste, ang exposure sa lead ay posibleng magresulta ng brain damage at pinsala sa central nervous system, pagkaudlot ng maayos na paglaki, mabagal na learning capacity at problema sa pag-uugali.
Facebook Comments