BABALA | FDA nagbabala kontra hindi rehistradong medical equipment

Manila, Philippines – Hindi dapat tangkilikin at sa halip dapat isumbong ang mga hindi rehistradong medical equipment at mga gamot sa merkado.

Ito ang abiso ng Food and Drugs Administration (FDA) matapos maiulat sa kanila ang bentahan ng ilang produkto na hindi dumaan sa pagsusuri ng ahensiya.

Kabilang dito ang Bang~ze Abacterial Flexible Fabric Bandage na gawang China at ang Bebeta Digital Thermometer.
Hindi rin rehistrado sa Fda ang nebulizing kit na ibinebenta ng Far East Medical na bahagi ng kanilang travel nebulizer na paglabag rin sa RA 9711 o FDA act of 2009.


Bunsod ito ng kawalang katiyakan ng kaligtasan at kalidad ng naturang mga produkto dahil sa hindi pagdaan sa pagsusuri ng FDA.

Binalaan ng FDA ang mga doktor, at mga lokal na gobyerno na huwag gagamitin o ipakakalat ang nasabing mga hindi rehistradong produkto.

Facebook Comments