BABALA | FDA nagbabala kontra hindi rehistradong plastic plaster

Manila, Philippines – Pinapayuhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang lahat ng healthcare professionals, health establishments at ang publiko laban sa pagbili at paggamit ng medical device product na Mediplast Water Resistant Plasters.

Napatunayan na sa pamamagitan ng isinagawang Post-Marketing Surveillance ng FDA na ang Mediplast Water Resistant Plasters ay hindi dumaan sa proseso ng rehistrasyon ng ahensya at hindi rin nabigyan ng kaukulang otorisasyon tulad ng Certificates of Product Registration.

Dahil hindi ito rehistradong produkto, hindi rin ito dumaan sa proseso ng pagsusuri at pageeksamin ng FDA, kung kaya at hindi masisiguro ng ahensya ang kalidad at kaligtasan nito.


Ang nasabing iligal na produkto ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng sinumang gagamit nito.

Facebook Comments