Manila, Philippines – Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa pagbili at pagkonsumo ng hindi rehistradong food products.
Kabilang na dito ang mga sumusunod:
MORRIS ALEO Chocolate Sandwich
Cookies Chocolate Flavor Cream
VIKI BOY Original Wafer Rolls Chocolate Flavor 10% Full Chocolate Cream
ROMAKO CITA Creamy Roll Crispy Creamy Roll with Double Chocolate Flavor
ROMAKO CITA Creamy Roll Crispy Creamy Roll with Strawberry Flavor
ROMAKO YOKI Wafer Stick Crispy Wafer Sticks with Chocolate Flavor
Base sa isinagawang post-marketing surveillance ng FDA lumalabas na ang mga nabanggit na pagkain ay hindi rehistrado at hindi rin nabigyan ng Certificate of Product Registration.
At dahil hindi rehistrado, hindi matiyak ng ahensya ang kaligtasan at kalidad ng nasabing produkto posible din ayon sa FDA na magdulot ng health problems sa sinumang makakakain nito.
Alinsunod sa Republic Act No. 9711 o “Food and Drug Administration Act of 2009” ang pag-manufacture, importation, exportation, sale at distribution ng mga unregistered products ay mahigpit na ipinagbabawal ng ahensya.