Naaresto ng mga operatiba ng Food and Drug Administration (FDA) ang sinasabing big-time distributor at supplier ng mga pekeng gamut.
Sa ginawang pagsalakay ng FDA Regulatory Enforcement Unit sa tahanan ng suspek na kinilalang si Alexis Asistio residente ng Tondo, Manila nasabat sa kanyang pag-iingat ang ibat ibang counterfeit over-the-counter (OTC) medicines na nagkakahalaga ng P1.2 million.
Kabilang sa mga nakumpiska mula kay Asistio ay 298 kahon ng Bioflu (100 tabs/per box); 200 boxes of Biogesic (500 tabs/box); 195 boxes of Alaxan FR (100 tabs/box); 395 boxes of Medicol Advance (100 tabs/box); 148 boxes of Neozep Forte (100 tabs/box); 48 boxes of Solmux (100 tabs/box); 18 boxes of Kremil S (100 tabs/box); 8 boxes Dolfenal (100 tabs/box); 8 boxes Flanax Forte (250 tabs/box); 5 boxes Gardan (200 tabs/box); 3 boxes Imodium (200 tabs/box) at 4 na piraso ng Dermovate ointment.
Pinaniniwalaang ibinebenta ng suspek ang mga OTC medicines sa sari sari stores at ilang maliliit na tindahan sa Metro Manila sa mas murang halaga.
Kasunod nito nagbabala ang FDA laban sa pagbili at pagkonsumo ng mga pekeng gamot dahil posible itong magdulot ng masama sa kalusugan nang sinumang iinom nito.
Samantala, nakatakda namang ipagharap ang suspek sa paglabag sa Republic Act no. 8203 o Special Laws on Counterfeit Drugs.