BABALA | Ilang brand ng adhesive bandage ibinabala ng FDA

Manila, Philippines – Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko at healthcare professionals laban sa pagbili at paggamit ng isang uri ng adhesive bandage o plaster sa sugat.

Hindi rehistrado sa FDA ang mga sumusunod na medical device products na:

1. Mumuso Adhesive Bandage waterproof transparent (High Elastic)


2. Mumuso Adhesive Bandage Micro hole breathable (Skin Color)

3. Mumuso Adhesive Bandage waterproof transparent (High Elastic)

4. Mumuso Adhesive Bandage Waterproof.

Napatunayan sa pamamagitan ng isinagawang Post-Marketing Surveillance (PMS) ng FDA na ang Mumuso Adhesive Bandage ay hindi dumaan sa proseso ng rehistrasyon ng ahensya at hindi nabigyan ng kaukulang awtorisasyon tulad ng Certificates of Product Registration (CPR).

Gayundin, dahil ang mga hindi rehistradong produktong ito ay hindi dumaan sa proseso ng pagsusuri at pageeksamin ng FDA, hindi masisiguro ng ahensya ang kalidad at kaligtasan ng mga nito.

Ang nasabing mga iligal na produkto ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga gagamit nito.

Facebook Comments