Manila, Philippines – Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko kaugnay ng paggamit sa mga condoms na hindi rehistrado o kaya ay may expired na certificates of product registration (CPR).
Sa advisory ng FDA, dahil hindi sumailalim sa kanilang evaluation process ang mga hindi rehistradong condoms, hindi nila magagarantiya ang pagiging mabisa at ligtas nito.
Base sa kanilang postmarketing surveillance, nakumpirma nilang ang mga Durex Prolong Condom, Durex Invisible UltraThin Condom, Durex Tropical Exciting Mix of Flavors at Colors Ultra Fine Lubricated Latex Condom ay hindi rehistrado at walang CPR.
Dahil dito, inabisuhan ng FDA ang publiko na huwag nang bilhin ang mga naturang condoms dahil sa paglabag nito sa Food and Drug Administration Act of 2009.
Pinaalalahanan rin nila ang mga establisyimento at mga tindahan na huwag nang ibenta ang mga nasabing condoms.