Manila, Philippines – Binabalaan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko at lahat ng healthcare professionals tungkol sa gamot na Allupurinol 300mg Tablet (ALLUJEN) na gawa ng New Myrex Laboratories, Inc – Barrio, Catmon, Sta. Maria Bulacan na may lot number SJ NO77 at expiry date na September 2018.
Ang mga nasabing lots ng mga gamot ay tinatanggal sa merkado dahil sa hindi pagsunod sa Good Manufacturing Practice (GMP) standard.
Dahil dito, hindi matiyak ang kaligtasan, bisa at kalidad ng nasabing mga gamot at maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan.
Pinapayuhan ang mga distributors, botika, ospital at klinika na itigil ang pamamahagi, pagtitinda at paggamit ng anumang lots ng nasabing gamot na gawa ng New Myrex Laboratories, Inc.
Inaabisuhan din ang lahat ng mamimili na huwag bumili o gumamit ng nasabing mga lots ng mga gamot at makipag ugnayan sa New Myrex Laboratories o SKP Jen, Inc at telephone numbers 912 8034 /400 8224 / 9134718 / 922 8608151 o mag email sa cdrr_prsdd@fda.gov.ph para sa katanungan o karagdagang impormasyon kaugnay ng recall.
Hinihimok din ang lahat ng nakaranas ng adverse event o anumang hindi kanais-nais na epekto, kasunod ng paggamit ng mga nabanggit na lots ng mga gamot na magsumbong sa FDA.