Manila, Philippines – Nagbabala ang isang kongresista sa Department of Health (DOH) dahil sa umano ay kumakalat na mga pekeng Dengvaxia cards.
Ayon kay House Appropriations Committee Chairman Karlo Alexei Nograles, napepeke na ang ipinamimigay ng DOH ng mga Dengvaxia card na tulong ng gobyerno sa mga naturukan ng bakuna simula noong Enero.
Nabatid na ang mga cards ay ginagamit para ma-monitor ang kundisyon ng mga lehitimong naturukan ng Dengvaxia vaccine kung saan pwede rin itong gamitin sa pagpapa-ospital at sa gamutan ng nabakunahan nito.
Dahil dito, hiniling ni Nograles kay Health Secretary Francisco Duque III na tiyakin ang pagberipika sa Dengvaxia cards para matukoy kung totoo o peke ito.
Facebook Comments