Manila, Philippines – Siguradong magiging madugo ang kampanya kontra sa tiwaling pulis kung manlaban ang mga suspek.
Ito ang inihayag ni Counter Intelligence Task Force Commander Senior Superintendent Romeo Caramat kasunod na rin sa unang kaso ng pulis na napatay sa operasyon ng CITF matapos manlaban sa Mandue City na si Senior Inspector Raymond Hortezuela.
Kaya naman ayon kay Caramat dapat na sumuko na o magpakatino habang maaga ang mga tiwaling pulis.
Ayon kay Caramat, ayaw niya naman umano na magresulta ito sa engkwentro pero kung sila ang unang papatukan ay wala silang magagawa kundi gumanti.
Kasunod nito, sinabi rin ng hepe ng CITF na walang tigil ang kanilang mga ikakasang operasyon sa mga tiwaling pulis at sa ngayon anya ay nangangalap lang sila ng sapat na ebidensya sa kanilang mga target.