BABALA! | LTFRB, nagbabala na gagawing blacklisted ang mga gagamit na pang-grocery ang ipinamimigay na Pantawid Pasada cash cards

Manila, Philippines – Idedeklarang blacklisted o hindi na muli pang makikinabang ng ayuda mula sa Pantawid Pasada Program ng gobyerno ang sinumang driver at operator na gagamit na pang-grocery ang ipinamimigay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Ito ay matapos na madiskubre ng LTFRB na may 22-operator at driver ang nag-withdraw sa limanlibong pisong laman ng natanggap na cash card.

Ayon kay LTFRB Information System and Management division chief Nida Quibic, para lamang sa krudo ng pampasaherong jeep at hindi maaring gastusin sa ibang bagay ang tulong ng pamahalaan para sa makaagapay sa mga tsuper.


Sa report na ibinigay ng Land Bank of the Philippines, pawang mga taga Metro Manila ang 22 driver at operator ng jeepney na nag-withdraw sa atm machines.

Sa pag-arangkada ng pantawid pasada program ngayong araw, lahat ng mga lehitimong nagmamay-ari ng puj sa buong bansa ang makikibanang na at tatanggap ng limang libong piso.

target ng LTFRB na mabigyan ng libreng fuel cards ang mahigit 179,000 na rehistradong PUJ franchise holder sa ibat-ibang rehiyon.

Pinangunahan ni LTFRB chairman Martin Delgra ang sabayang distribusyon ng fuel cards sa matina davao city kaninang umaga.

dahil dito ay dinudumog ngayon ng mga operator at driver ng jeep ang lahat ng regional offices ng ltfrb laluna sa punong tanggapan ng ahensya sa quezon city.

ang 5,000 peso subsidy ay maaring makuha ng isang may-ari ng jeepney at magamit na pambili ng krudo hanggang katapusan ng buwan ng disyembre.

ang tulong na ito ng gubyerno sa sektor ng tranportasyon ay plano pang itaas sa halagang 20,500 pesos para sa buong taon ng 2019.

Facebook Comments