Manila, Philippines – Nagbabala ang Palasyo sa mga negosyante na nananamantala sa presyo ng mga bilihin dahil sa TRAIN Law.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, mayroong Suggested Retail Price (SRP) na ipinatutupad ang DTI na dapat sundin ng mga traders.
Ito rin ang dapat na gabay ng mga consumers upang matiyak na tama ang presyo ng kanilang binibili.
Payo ni Roque sa mga mamimili, isumbong sa DTI ang mga mapagsamantalang indibidwal na bukod sa multa ay maaaring maipasara ang kanilang negosyo kapag napatunayang hindi sinusunod ang SRP.
Hindi aniya talaga mapipigilan ang na magkaroon ng price increase sa ilang mga commodities bunsod ng pagtaas sa presyo ng krudo sa world market pero pakiusap ng Palasyo, huwag namang gawin itong alibi gayundin ang TRAIN law para pahirapan pa ang mga consumers.