Manila, Philippines – Nagbabala ang Malacañang sa mga negosyanteng nagsasamantala gamit ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act.
Partikular na tinukoy ni Presidential Spokesman Harry Roque ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay Roque, ikinalulungkot ng Malacañang may mga pananamantalang nangyayari sa hanay ng ilang mga negosyanteng nagtatatas sa presyo ng kanilang mga bilihin gamit ang TRAIN Act.
Sinabi pa ng kalihim na may Suggested Retail Price (SRP) na ipinatutupad ang Department of Trade and Industry (DTI) na dapat sundin ng mga traders at ito din ang gabay ng mga consumers para hindi mabiktima ng ilang negosyante.
Hinikayat naman ni Roque ang mga mamimili na magsumbong sa DTI kapag naka-engkwentro ng mga mapagsamantalang negosyante para mapatawan ito ng multa at maipasara ang kanilang mga negosyo.