BABALA | Mataas na minimum wage, may dalang negatibong epekto sa ekonomiya ayon sa isang mambabatas

Manila, Philippines – Nagbabala si Negros Oriental Representative Arnulfo Teves na posibleng ikabagsak ng ekonomiya ang inihaing taasan ang national minimum wage sa P750 pesos.

Ayon kay Teves, posibleng magsialisan ang maraming negosyante sa bansa dahil lalaki na rin ang gagastusin sa kanilang operasyon.

Aniya, naiintindihan naman ng gobyerno ang sentimyento ng mga manggagawa dahil sa epekto ng TRAIN Law.


Pero dahil sa malaking taas sa minimum wage ay posibleng humina ang ating ekonomiya.

Sinabi naman ni CIBAC Party list Representative Sherwin Tugna na lubhang maaapektuhan ang mga small and medium enterprises.

Paliwanag ni Tugna, hindi kakayanin ng mga maliliit na negosyante ang magpasweldo ng ganoong kalaki sa kanilang mga empleyado.

Facebook Comments