BABALA | Mataas na presyo ng petrolyo, isang taon pang titiisin ng mga Pilipino

Manila, Philippines – Nagbabala si Kabayan Representative Ciriaco Calalang na aabot pa hanggang sa susunod na taon ang pagtitiis ng mga Pilipino sa mataas na presyo ng krudo.

Ayon kay Calalang, na isa ring taxation lawyer, hindi naman aabot o lalagpas sa $80 per barrel ang presyo ng langis batay sa datos ng oil industry analysts na nakatutok sa presyuhan ng bentahan ng krudo.

Pero, batay aniya sa CME Group, maglalaro sa $70 hanggang $75 per barrel ang Dubai crude hanggang June 2019 at magsisimula naman itong bumaba sa $69 ber barrel sa July 2019 at bababa sa $54 per barrel mula January hanggang June 2022.


Pinayuhan ni Calalang ang gobyerno na tuluy-tuloy lamang ang pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap na Pilipino upang makaiwas sa economic crisis.

Pinaghahanda din ang pamahalaan ngayong Hunyo sa muling pagtaas ng presyo ng langis sa world market dahil sa pagtaas din ng demand bunsod ng summer vacation travel at transport season ng maraming mga bansa sa mundo.

Facebook Comments