Binalaan ng Department of Tourism (DOT) ang mga establisyimento sa Boracay na tatanggap ng booking kahit hindi na-accredit ng ahensya.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat, mahigpit na ipatutupad sa pagbubukas ng Boracay sa October 26 ang cease and desist order sa mga room booking at sale occupancy sa mga establisyimento na hindi pa nakapasa sa mga requirement na itinakda ng ahensya.
Maliban aniya rito, mahigpit ring ipagbabawal ang online promotion at pagpapakalat ng iba pang collateral na may kinalaman sa negosyo.
Papayagan lang aniya ang mga establisyimento na makapag-operate oras na makumpleto nila ang mga requirement ng DILG at DENR.
Facebook Comments