BABALA | Mga PUJ driver at operator na may paglabag sa paggamit ng fuel voucher card, ipapa-blacklist ng gobyerno

Manila, Philippines – Handa ang gobyerno na ipa-blacklist ang mga Public Utility Jeepney (PUJ) operator at driver na ginagamit ang kanilang pantawid pasada card bilang pambili ng produkto imbes sa langis.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Martin Delgra, hindi nila kukunsintihin ang anumang maling paggamit ng fuel subsidy card.

Aniya, ang mga lalabag ay tatanggalan ng benepisyo at aatasang bayaran ang pera o refund.


Sa ilalim ng pantawid pasada program, hahandugan ng gobyerno ng fuel cards na nagkakahalaga ng ₱5,000 para tulungan ang halos 180,000 jeepney franchise holders para maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.

Facebook Comments