BABALA | Mga truckers na nagsasagawa ng "truck holiday", binalaan ng DOTr-LTFRB

Manila, Philippines – Nagbanta ang Department of Transportation (DOTr) at LTFRB na mananagot ang mga maliliit na independent trucking groups sa Maynila dahil sa pananabotahe sa ekonomiya sa ginagawa nilang “truck holiday”.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, hindi mag aatubili na patawan sila ng sanctions ng LTFRB at LTO kapag nakakaperwisyo sila sa daloy ng komersyo patungo at mula sa Port of Manila.

Lalo pa at mapatunayang hinaharang at binabantaan ng mga ito ang operasyon ng mga kompanya ng truck na hindi sumusuporta sa protesta.


Kahapon pinasimulan ng grupo ang una sa anim na araw na protesta at nakita ang ilang trucks at private vehicles na nakahambalang sa entrance patungo sa Port Area sa R10 Road, Tondo, Manila.

Bagaman at minimal lang ang epekto ng truck holiday, iginiit ni Tugade na ang abala na idinulot nito sa operasyon ng ibang trucking companies ay isa nang pananabotahe sa ekonomiya.

Prayuridad ng DOTr na pagsilbihan ang interest ng publiko at ang pagnenegosyo.

Gayunman may sapat na bilang na mga tauhan ang Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) ang ikinalat sa Port Area upang matiyak ang maayos na operasyon dito.

Facebook Comments