Babala ng DOH na “mini surge” ng COVID-19 sa BARMM, ikinababahala ng Ministry of the Interior and Local Government ng rehiyon

Nababahala ang Ministry of the Interior and Local Government sa babala ng Department of Health (DOH) na posibleng magkaroon ng “mini surge” ng COVID-19 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay BARMM Minister for the Interior and Local Government Atty. Naguib Sinarimbo, isa sa mga rason ay ang mababang vaccination rate sa rehiyon.

Bagama’t mababa na aniya ang kaso ng COVID-19 ay ayaw nilang magpakakumpiyansa at sa halip ay dapat tutukan pa ang pagpapataas ng bakunahan sa BARMM.


Kabilang din sa mga dahilan kung bakit mababa pa rin ang vaccination rate sa rehiyon ay ang vaccine hesitancy, mga lugar na mahirap mapuntahan, at dahil mababa na ang kaso ng COVID-19 ay pakiramdam ng mga tao ay hindi na kailangan pa ng bakuna.

Facebook Comments