Manila, Philippines – Seryoso ang pamahalaan sa pagharap sa banta ng nuclear war ng North Korea.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, ay sinabi nito walang isinasantabi ang Gobyerno sa nasabing usapin dahil hindi maaaring manghula kung ano ang meron at kung ano ang wala ang North Korea.
Ang utos aniya ni Pangulong Duterte sa kanila ay lagging maging alerto, maglatag ng contingency plans sa lahat ng bansa na maraming Pilipino tulad ng South Korea, Japan at Guam.
Pero sinabi din naman ni Cayetano na pagbisita ng Ambassador ng North Korea sa Pilipinas at patuloy na sinasabi nito na wala namang problema ang North Korea sa Pilipinas at sa ASEAN pero sinabi ni Cayetano na kahit ganito pa ang posisyon ng North Korea at maaapektuhan parin ang rehiyon at ang pilipinas sa oras na magpakawala ito ng Nuclear Weapon dahil nakakalat ang mga Pilipino sa maraming parte ng mundo.
Sinabi din aniya ng gobyerno sa North Korea na ang mga ginagawa nilang hakban ay nakaaapekto sa seguridad ng buong rehiyon.
Kaya naman sinabi ni Cayetano na patuloy ang paghahayag ng Pilipinas ng kahandaang tumuong para maayos ang anomang hindi pagkakaintindihan.
Babala ng North Korea sa nuclear war, hindi minamaliit ng gobyerno
Facebook Comments