Babala ni PBBM pagdating sa ipapasang national budget, suportado ng DBM

Umapela ang Department of Budget and Management (DBM) sa mga mambabatas na sundin ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakaayon lamang sa National Expenditure Program ang pambansang pondo para sa susunod na taon.

Ito ay makaraang sabihin ng Pangulo sa kaniyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) kahapon na hindi niya aaprubahan ang panukalang budget na hindi nakaayon sa NEP.

Ibig sabihin, ibabalik daw ng Pangulo ang General Appropriations Bill sakaling alinsunod sa plano ng gobyerno at handa rin daw siya kahit na mauwi sa re-enacted budget.

Nagpasalamat naman si Budget Secretary Amenah Pangandaman kay PBBM dahil inaasahang maisusulong ang budget na nakatuon sa mga pangunahing isyu at problema ng mga Pilipino.

Tiniyak naman ni Pangandaman na gagamiting mabuti ng bawat ahensiya ang aaprubahang pondo at tuluyang makakaabot sa taumbayan.

Sisikapin din aniya ng kagawaran na mawala ang korapsyon, magkaroon ng transparency at acccountability sa gobyerno para maramdaman ng bawat mamamayan ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments