BABALA | “No Touch, No Contact Policy" sa mga dayuhang pasahero, mahigpit na pinatutupad ng BI

Manila, Philippines – Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga tauhan nito lalo na sa mga bagong talagang Immigration personnel sa mga paliparan na mahigpit na sundin ang “no touch, no contact policy” sa mga dayuhang pasahero.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, mahigpit na ipinagbabawal ang hindi otorisadong operasyon at imbestigasyon ng immigration personnel sa foreign nationals.

Ayon kay Morente, mayroong standard operating policy ang kawanihan at lahat lamang ng may mission orders mula sa commissioner ang maaring mag-imbestiga at mag-verify ng status ng mga dayuhang hinihinalang may paglabag sa immigration laws ng bansa.


Ang babala ay Ginawa ng Bureau of Immigration (BI) kasabay ng inaasahang pagpasok ng 50-bagong immigration officers na ide-deploy sa international airports sa bansa.

Facebook Comments