BABALA | NPC, hinimok ang mga FB users na paigtingin ang security ng kanilang mga accounts

Manila, Philippines – Hinimok ng National Privacy Commission (NPC) ang mga Pilipinong Facebook users na paigtingin ang security protocols.

Ito ay kasunod ng nangyaring data breach kung saan nabiktima ang 50 million users.

Payo ni NPC Commissioner Raymund Liboro – na panatilihin ang ‘good digital hygiene’ tulad ng pagkakaroon ng matibay na passwords at paganahin ang multi-factor authentication sa lahat ng platforms.


Aniya, huwag ding gumamit ng kaparehas na password sa iba’t-ibang account.

Ugaliin ding mag-log out sa mga internet browser.

Dagdag pa ni Liboro – iwasan din mag-log in ng mga personal accounts sa public WiFi networks, mag-install ng anti-virus software at iwasan ang pag-click sa mga pop-up o virus warnings.

Nagbigay din ng tips ang FB kung paano ma-manage ang inyong accounts tulad ng pag-alis sa mga group at pagtanggal ng mga third party applications, pag-update ng privacy settings at pag-unfriend sa mga hindi kilalang contacts.

Facebook Comments