Manila, Philippines – Nagbabala ang Philippine Airlines (PAL) sa publiko ukol sa mga naglipanang pekeng advertisements na kumakalat sa social media.
Ang survey ay naglalaman lamang ng tatlong tanong kaugnay ng passenger’s experience sa airline company.
Kapag natapos ang user na sagutin ng survey, isang text ang magsasabing nanalo ito ng dalawang libreng pal tickets.
Paalala ng PAL, huwag magpapaloko sa mga bogus na ads tulad nito.
Ipinagbigay alam na ng PAL ang pekeng advertisement sa kinauukulan para sa agarang aksyon.
Ang official advertisements ng PAL ay tanging inilalabas lang sa kanilang website www.philippineairlines.com at sa official facebook page nito na @flypal.
Facebook Comments