Manila, Philippines – Nagbabala ang Public Attorney’s Office (PAO) na may mga susunod pa silang kakasuhan dahil sa pagbili at pagmamahagi ng Dengvaxia vaccine.
Noong April 5, ay sinampahan na ng PAO ng kasong kriminal sa Department of Justice (DOJ) sina dating Health Secretary Janette Garin at 34 apat na iba pa kasunod ng kamatayan ng ilang batang nakabakunahan ng nasabing anti-dengue vaccine.
Ayon kay PAO Chief, Atty. Persida Acosta, magsasampa sila ng supplemental complaint alinsunod sa rekomendasyon ng senado na una nang nagsagawa ng pagdinig sa kontrobersiya.
Inatasan na aniya ng DOJ ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng hiwalay nitong imbestigasyon.
Iginiit din ni Acosta na inatasan ang PAO na tutukan ang bilang ng mga namamatay at nagkakasakit na may kaugnayan sa nasabing bakuna.