BABALA | PDEA, nagbabala sa pagkalat ng bagong droga na hindi pa naisasama sa listahan ng mga banned substance

Manila, Philippines – Nagbabala ngayon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kumakalat na bagong droga sa bansa.

Aon sa PDEA, nakalalason ng isip ang nasabing droga na psychoactive GMB kung saan inihahalo ito sa party drug na ecstasy para lalong malakas ang tama nito.

Dahil dito, nakatutok ngayon ang ahensya sa pagkontrol sa paglaganap ng GMB dahil hindi pa ito kasama sa listahan ng mga ilegal na droga sa ilalim ng mga batas sa bansa.


Isa pang psychoactive substance na mino-monitor ng PDEA ang GHB o liquid ecstasy.

Nabatid na mayroong mahigit 600 na uri ng psychoactive substances at pito hanggang walo sa mga ito ay nasa Pilipinas.

Facebook Comments