BABALA | PNP, binalan ang publiko na huwag maniwala sa kumakalat na scare messages

Manila, Philippines – Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko hinggil sa mga kumakalat na text messages na layong magbigay ng takot sa mga mamamayan.

Ayon kay PNP Spokesman, Senior Superintendent Benigno Durana, walang basehan ang nasabing mga mensahe kung saan hindi lamang sa pamamagitan ng text ipinapakalat ang scare messages kundi maging sa email at social media.

Nagsimulang ipakalat ang mga mensahe matapos ang mga insidente ng pagsabog sa Basilan, Masbate at Rizal.

Sa nasabing scare text, nakasaad dito na ang pagsabog sa Basilan ay simula lamang ng mas malaking pag-atake.

Pero iginiit ni Durana na walang partikular na pagbabanta at wala rin koneksyon sa isa’t-isa ang mga naganap na pagsabog sa tatlong lalawigan.

Paniwala pa ni Durana, panggugulo at paglikha ng takot ang motibo ng nagpakalat ng mensahe.

Facebook Comments