Urdaneta City – Nagbabala ang Urdaneta City PNP sa mga bogus na online investment schemes matapos makapagtala ng isangdaan at limampung biktima ng kumpanyang kinilalang C & G Dry Goods Company kung saan inireklamo ang delayed payment ng return of investment o R-O-I na dapat ay nakukuha kada linggo.
Ayon sa Hepe ng Urdaneta City Police Station Rollyfer Capoquian, nag rerecruit ang kompanya sa social media at naniningil ng investment na hindi bababa sa limang libong piso sa ukay ukay business kung saan pinangakuan silang magkakaroon ng R-O-I na aabot sa limampung porsiyento bawat linggo.
Dagdag pa niya ay aabot sa 780,000 pesos ang pinaka mataas na investment ng isang biktima ang nakulimbat ng nasabing kumpanya. Noong July 24 naman ay nagkaroon ng entrapment operation kontra sa administrator ng online company at nahuli ang walong admin pero ang mastermind na kinilalang si Renato Gabiola na dating konsehal ng Sta. Barbara at kanyang live in partner na si Sharmaine Juni Castillo mula Bayambang ay tinutugis pa.
BABALA | PNP, Nagbabala Kontra sa Online Investment Scams
Facebook Comments