BABALA | POEA, pinaalalahanan ang publiko laban sa mga pekeng online registration

Manila, Philippines – Nagbabala ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga lisensyadong recruitment agencies at medical clinics ukol sa pekeng online registration system.

Inabisuhan ng poea ang publiko na hindi aprubado ng Department of Health ang sistema na nag-oobliga sa mga aplikante na magbayad ng registration fee sa halagang 10 us dollars na para sa pre-employment examination ng mga OFW.

Pinapatakbo ng Gulf Cooperation Ministry of Health ang naturang online system.


Pero giit ng DOH, hindi pinapayagan ang mga Medical Facilities for Overseas Worker and Seafarers ang nabanggit na online scheme.

Facebook Comments