Ngayon pa lang nagbabala na si dating Bayan Muna Congressman at Consumer Advocate Neri Colmenares sa posibilidad na pagtaas nang husto ang presyo ng kuryente.
Aniya, aabot sa P1.80 kilowatt per hour ang magiging karagdagan sa kasalukuyang presyo dahil sa konstruksyon ng 1,200 megawatt Atimonan Power Plant na pag-aari rin ng Manila Electric Company o Meralco.
Ito ang magiging resulta sa presyo makaraang aminin ng Meralco na umabot na ng P15 bilyon ang kanilang gastos sa pagpapagawa ng pasilidad ng Atimonan One Power Plant.
Tiniyak ni Colmenares na hindi sasaluhin ng Meralco ang nasabing gastusin na ipapasa nito sa mga consumers.
Matatandaan na binalot ng kontrobersiya ang kasunduang Meralco at Atimonan One makaraang hindi umano ito dumaan sa regular na proseso ng Energy Regulatory Commission (ERC).