BABALA | Publiko binalaan ng PNP sa mga paninira sa social media

Manila, Philippines – Nagbigay ng babala sa pubiko ang Philippine National Police (PNP) sa mga mahilig manira sa social media lalo na sa Facebook.

Ayon kay Police Senior Inspector Artemio Cinco Jr – tagapagsalita ng PNP Anti Cyber Crime Group may mabigat na kakaharaping parusa ang sinumang indibidwal na ma convict sa kasong cyber libel.

Sinabi ni Cinco na batay sa sa Anti Cyber Crime Law o ang RA 10175 ang cyber libel ay ang malisyosong paninira sa isang tao gamit ang teknolohiya


Sinabi ni Cinco na mula sa parusang isang buwan hanggang anim na taong pagkakulong sa ordinaryong libel ay magiging anim na taon hanggang 12 taon ang parusa para sa mapapatunayang guilty sa cyber libel at may piyansa mula ₱20,000 hanggang ₱200,000 depende sa bigat ng ebidensya.

Paalala ng pamunuan ng PNP-ACG, gamitin sa tama ang social media.

Sa record ng PNP, 2958 na kaso na cyber libel ang kanilang naitala ito ay mula Enero hanggang Setyembre nang taong kasalukuyan.

Sinusundan ito ng online scam, swindling at estafa na 741.

At pangatlo ay ang anti photo and voyeurism na 296.

Kahapon lamang ay inaresto ng mga tauhan ng PNP-CIDG at Laguna Police ang dating actress na si Janet Duterte o mas kilala sa pangalan na Keanna Reeves dahil sa kaso nitong cyber libel.

Ito ay matapos umano niyang siraan sa Facebook ang kumuha sa kaniyang serbisyo bilang performer sa isang food park sa Biñan City, Laguna na si Nancy Dimaranan.

Facebook Comments